Manila Classico

Pasasalamat sa Sports 5 Productions

Halos isang linggo na rin ang nakararaan nang mapansin ng InterAksyon ang ginawa kong liham kay LA Tenorio. Doon nagsimulang kumalat ang blog, at iyon din ang dahilan kung bakit ako naimbitahang ma-interview sa PBA at personal na makita at makausap si Tenorio at ang buong Ginebra. Sa puntong ito, nais kong pasalamatan ang lahat ng mga taong bumubuo ng Sports 5 na nagbigay sa akin ng pagkakataong inaasam-asam ng kahit sinong fan ng PBA. Salamat,

  • Mr. Jaemark Tordecilla, na unang taga-Sports 5 na nagkumento sa naturang liham at humingi ng permisong malathala ito sa InterAksyon.
  • Mr. Paul Mata, sa pag-aasikaso ng mga ticket upang maupo kami ni Ellice sa di mahulugang karayom na Araneta Coliseum.
  • Mr. Mike Villar, EP ng Sports 5 PBA, na kasama ni Coach Alfrancis Chua ay hinila at pinakilala ako kay Tenorio. Salamat din sa pagtitiwala niyang makapagbibigay ako ng maayos na interview sa telebisyon.
  • Mr. Magoo Marjon, sa pagpuri sa ginawa ko, at sa pagbibigay ng lakas ng loob na ipagpatuloy ko ang pagsusulat.
  • Ms. Erika Padilla, siyempre sa pag-interview sa akin. Nakakatwang malaman na Atenista rin pala siya, at pareho pa ng kurso ko ang kursong tinapos niya (AB Political Science).
  • Sa direktor ng Sports 5 PBA, Mr. Mico Halili, Ms. Sel Guevarra, Mr. Eric Reyes, Mr. Joshua Lopez, sa mga press, at sa lahat ng mga taong bumubuo ng Sports 5 na aking nakilala ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko nagawang makuha ang mga pangngalan.

Isa pong karangalan na kahit sa iilang araw ay naging bahagi ako ng inyong pamilya. Hinding-hindi ko po makalilimutan ang oportunidad na pinagkaloob niyo sa akin. Mabuhay po kayo.

ImageImageImage

Advertisements