Tiwala: An Open Letter to LA Tenorio

LA Tenorio,

Huwag mo sanang isipin na ito ay liham ng paninisi o pangungutya (na marahil ay unang pumasok sa isip mo nang makita mo ang pamagat nito); ako’y sumusulat sa iyo bilang isang Ginebra fan, na patuloy na nagtitiwala. Kung sa pagbabasa mo nito ay pakiramdam mo na sinisisi kita sa nangyari sa Game 5 kanina, huwag kang tumigil sa pagbabasa sapagkat hindi iyon ang aking intensyon.

Tulad mo, isa akong Atenista. Fourth year na ako at magmamartsa na sa Marso. Labinlimang minuto bago mag-alas-sinko kanina nang matapos ang recollection ko. May oras pa, mapapanood ko pa ang Ginebra. Dali-dali akong tumakbo mula Gesu papuntang Library para manuod ng livestream sa isa sa mga computer doon, at laking tuwa ko, lamang ang Ginebra ko nang buksan ko ang internet.

Paputol-putol ang livestream. Mabagal ang net. Pero di bale, dikitan ang laban. Kaya ito ng Ginebra. Sa mga huling segundo ng laban, lamang ang San Mig ng dalawa. Nag-drive ka, pero na-challenge at di pumasok. Foul kay Melton, pero isa lang napasok niya. Ayos, kaya pa ito. Pitong segundo, tatlo lamang nila. Binababa mo ang bola. Biglang bumalik sa ala-ala ko iyong dalawang game-winning three ni Japeth kung saan ikaw iyong nag-assist. Overtime na ito, siguradong-sigurado ako. May nakapwesto sa wing o sa corner, di ko alam kung si Baracael o si Ellis. Pero nag-drive ka ulit.

Napamura ako LA. Pinagtinginan ako ng mga katabi ko sa Library. Kagagaling ko lang sa recollection. Napamura ako.

* * *

6:53 p.m. ang oras habang nagsusulat ako ngayon. Nasa 653 na tao kada post sa mga fanpage ng Ginebra sa Facebook ang nagko-comment ng “benta”. Bukod pa iyan sa 65 300 na tao o higit pa ang sobrang sama ng loob sa iyo ngayon. Sobrang taas daw ng basketball IQ mo, ikaw daw  ang Gilas point guard. Imposible raw na nawala sa loob mo na tatlo ang lamang ng San Mig.

Pero hindi ako isa sa kanila. Hindi ako naniniwala na “benta” iyong kanina, LA. Hindi ko alam kung bakit, at di ko alam ang dahilan, pero sinasabi ng puso at isip ko na hindi bayad iyong play kanina. Alam mo kung bakit? Kasi naniniwala ako na maprinsipyong tao ka. At kaya ko iyang patunayan sa buong Pilipinas, o sa buong mundo kung kinakailangan.

* * *

Naaalala mo ba ang larawan na ito:

Image

Kuha iyan noong Game 2. Inaabangan ko kayo nina Caguioa doon sa may parking ng players sa gilid ng Araneta. Pero sabi ng gwardya di kami (mga fans) pwedeng lumapit, kaya nandoon lang ako sa may kalsada, kasama ng ibang umaasang fans. Okay na talaga ako na masigawan kayo ng “good job” at “congrats” kung dadaan man iyong mga sasakyan niyo doon. Pero sabi ko sa sarili ko, once in a lifetime lang kung makakapagpa-picture ako sa kahit isa lang sa inyo. Sakto lumabas kayo ni Japeth doon sa parking lot. Alam mo ginawa ko? Inakyat ko yung bakod, tinalon ko, saka ako tumakbo papunta sa iyo. Narinig ko iyong gwardya na sumigaw ng “hoy!” at nagmura pa yata. Pero wala akong pakialam. Once in a lifetime lang iyon eh. Magpapapicture ako kina LA at Japeth.

Kitang-kita ko sa mukha mo noon na pagod na pagod ka na dahil sa game, at siguro dahil sa dami ng nagpapapicture. Nag-aalinlangan ako na lumapit pa, pero dahil once in a lifetime nga lang, tinuloy ko na. Sabi ko sa iyo, “LA papicture kahit isa lang.” Di ka nagdalawang-isip na magsabi ng “sige”.

Pagbalik ko doon sa may kalsada, sabi ko sa girlfriend ko, “ang bait ni LA (at Japeth); kita mong pagod na pero hindi marunong humindi sa fans.”

 * * *

Naaalala mo noong Yolanda? Di ba nag-volunteer ka na maging parte ng delegation ng PBA players na pupunta ng Tacloban? Hindi ka kasi parte ng original delegation noon, pero gusto mong magbigay ng pag-asa, kaya’t sumama ka.

E noong mga panahong injured si Caguioa, naaalala mo iyon? Di ba’t kayod kalabaw ka noon, sa points, sa rebounds, sa assists…sa lahat. Ikaw iyong bumubuhat sa Ginebra, kahit dehado na, nananalo pa rin sa huli.

 * * *

Di man tayo magkakilala sa personal, alam ko na ganitong klase ka ng tao, LA: ikaw iyong hindi ipapahiya iyong mga taong pinaghuhugutan ka ng saya, ng lakas, ng pag-asa. Alam mo, noong January 29, nalaman ko na hindi ako pumasa ng UP Law. Sobrang lungkot ko noon hanggang sa mga sumunod na ilang araw. Hindi ako makakain, wala akong ganang pumasok sa unibersidad. Gusto ko lang mapag-isa. Pero noong Game 2, dinala ako ng girlfriend ko sa Araneta. Iba talaga ang Ginebra, LA. Kahit anong lungkot ko, kahit sobrang na-down ako dahil sa pagkabigo ko, basta narinig ko iyong coliseum barker na sinasabing “starting at guard number 5, LA Tenorio!”, basta maka-score ng tres si Baracael, basta lumalaban ang Barangay at naghihiyawan ang buong Araneta ng “Ginebra, Ginebra, Ginebra!”, nawawala lahat, nagkakaroon ulit ako ng pag-asa, di lang na manalo sa laban ang Barangay, kundi pati na rin na bumangon muli ako at patuloy na lumaban sa personal kong buhay.

Kaya iyong kanina, alam ko hindi “benta” iyon. Huwag mo silang pansinin. Lahat ng tao nagkakamali. Pero sabi nga nila, ang mas mahalaga ay kung paano ka babangon muli. Kaya nga LA eh: Lahing Astig, may takot kay Lord Almighty. Yan si Lewis Alfred sa mata ko, sa mata ng milyon-milyong fans ng Ginebra.

Maraming katulad ko LA na patuloy na susuporta sa iyo at sa Barangay. Kahit Upper B lang parati ang nakukuha at nakakayanan ko, sisigaw at sisigaw ako ng “Ginebra” kasi alam ko na importante ang ibig-sabihin ng tatlong pantig na iyon: ang mga iyon ang simbolo ng lahing di sumusuko, iyong lalaban at lalaban; simbolo iyon ng mga taong umaasa sa mga salitang Never-Say-Die.

Naniniwala ako sa iyo LA. Naniniwala ako na lalaban at lalaban ka. Naniniwala ako na madadala mo ang Ginebra sa championship. Tiwala lang, LA. At kung naaalala mo pa, sabihin mo lang sa sarili mo, “magis!

Naniniwala,

Erson

Image

Advertisements

172 comments

      1. Brotha, sobrang nakattouch itong letter mo. As a die hard fan talagang naramdaman ko ung pinanggagalingan mo. We all hope that our Ginebra can really bounceback bigtime tonight in game six. Our hopes are really high that Barangay can tie the series and eventually win this to secure the last finals seat! #NSD#bounceback#PUSO :))

    1. ou nga kahit hindi kayo nanalo laban lang ng laban madami pang laro,gusto ko talagang makapunta sa araneta para po makita idol na idol po kita kayo lang po ang inspirasyon ng mga batang manlalaro.kung saan hindi niyo po pinapakita ang hirap.swerte pa po yung tita ko nakita daw po kayong nagpapagasolina eh taga batangas lang naman po ako eh swerte pa yung lalaki,bukod sa nakita kayo nagawa pang ipagtanggol kayo.

      1. malaala mo kaya?tma parang teleserye lng yan.sa una talo pero sa huli panalo pero meron dun nmn na sa una talo hangang huli talo ..parang genibra lng

  1. sang ayon ako sau erson!…napaluha din ako sa sulat mo hehe..sana mabasa to ni L.A….oh sana khit isa man lang sa player ng ginebra para may makapag parating sa kanya..

  2. Nice letter pwede mo bang I post sa instagram ni la tenorio kasi puro pansisi ang naka post sa instagram nya tnx o kaya sa twitter account na lang niya tnx ulit.:)

      1. hi, erson! I dnt knw u but 1 thing i knw, dugong ginebra ang nananalaytay sayo. i hope may nakapagsabi na sayo, LA’s sister is looking 4 u to thank u. malaman ang liham mo, at bilang mgkakabgy tayo naniniwala ako na yung move na yun ni LA may ibig sabihin. That was a statement. Malakas ang pkiramdam ko na yung lay up na iyon ay isang prinsipyo. 🙂 let us knw kung panu ka makontak nung ate para mairelay namin ang msg. Sigurado nabasa na to ng pambansang reverse. 🙂

      2. Sa totoo lang po, kayo ang unang nagsabi sa akin na wanted ako. Haha. Facebook na lang po, pakihanap na lang ako dun (Rogerson Villangca). Tapos doon ko siguro ibigay contact number ko kasi mahirap magpost dito ng number. Thank you and nver say die.

      3. and also, napost na din sa online news ang letter mo. sige po il tweet na contact ka thru fb. 🙂 salamat ulit sa article na nakakaiyak at punung puno ng puso.

      4. hi kabarangay 🙂 tama ka sa lahat ng sinabi mo 🙂 walng benta sa ginwang laro ni LA kahapon. ako bilang isa ring basketball player. Walang mali sa ginawa nya. sabi kasi ng coach namin. if there’s an opening, go for it. drive hard and shoot the ball. siguro ganun ang nakita nya 🙂 manalo, matalo. Ginebra pa din tayo 🙂 kayang kaya pa yan 🙂 So, Go! Go! Go! Ginebera` Gin Kings. Never say die~

      5. Problema na talaga ng bgk fans ang paninise hinde benta si tenorio since alaska pa siya yan na idol ko people make mistake kung ayaw nio kay tenorio ibalik nio na lang sa alaska tandaan nio nung commisioners cup last year siya bumuhat ng team nio sa finals.. im not a bgk fan i watch bgk because of l.a..

      6. salamat sa sulat mo.sana mabasa pa ito ng madaming tao…lam mo ako hindi ko din sinisisi si L.A actually kapitbahay ko siya dito sa Nasugbu, Batangas. As in yung bahay ng lolo nya katapat lng ng house namen..at mula pa nung nag start maglaro si L.A mosquito pa ang tawag sa liga noon dito eh idol ko na sya…kay kung saang team sya nandun yung ang team na sinosuportahan ko..Idol na idol ko talaga sya..kaya hindi ako magsasawang maging isa sa mga fans nya….all out support ang mga taga Nasugbu kay L.A Tenorio….salamat ulit..

  3. Wow. I have no words. No worries bro, LA will surely step up his game and we’ll win back-to-back and book a ticket to the Finals. Never Say Die!

  4. Maraming salamat sa suporta at pag intindi mo. 🙂 hayaan mo, susubukan ko ipaabot to kay kuya 🙂 see you in school if ever 🙂 and congrats in advance sa graduation 🙂

    #AMDG

      1. Nasa katabi lang lagi ng COA room si Lambert. Hindi niya ako kilala pero lagi kong nakikita siya dahil kamukha niya si L.A.

  5. NEVER sumagi DIN sa isip ko na “benta” ano yun? Ang nasa isip ko nung nag-drive sya “Hala LA bakit di mo ipinasa?” yun lang. #sisinabangmatatawagyun “pwede namang magtanong dba?” Sya may hawak ng bola sya lang pwedeng mag-DESISYON kung anong gagawin sa bola. Ang KAYA lang itanong ng mga Ginebra DIE HARD FANS “bakit hindi mo ipinasa?” STILL Never Say Die. Alam kong makakabawi tayo. Matalo-Manalo Ginebra pa din. PERO hindi naman masama ang “PUMUNA” sa players. dahil at the end of the DAY ka-Barangay ka parin. Walang Plastikan oh! NAPAMURA ka din. Bow!

    1. wala naman plastik dito, at gaya nga ng nasa sulat niya sa taas napamura din siya. pero tol galing sa puso ang sulat na ito.

  6. Thank you for sharing your thoughts. Naiyak ako kasi ganito rin nararamdaman ko. Kailangan ni LA to at ng buong team. Nung nanood ako kahapon, kitang-kita ko na kinakabahan sila nung crucial minutes. Kailangan natin palakasin ang loob ng team. Keep it up! Congratulations 🙂

  7. parang bumalik ako sa pagiging bata ng binasa ko ang buong Article. Parang bata na walang paki sa pagilid na tipong gusto mo lang maglaro, matulog at kumain. Pero, yung pagiging bata na mabilis umiyak. Yung mga panahon na bata pa lang ako bilang isang fan ng Ginebra ang dami ko ng pinagdaanang failed, lungkot frustration sa tuwing matatalo ang Ginebra. Pero sa tutuo lang itong talong to isa ito sa mga talong masasabi kung “Unforgiven” hindi kay LA ah! Kundi sa team na tumalo sa team natin. Siguro nga dapat buo tayo para maging buo ang pagkatao ni LA sa next game 6 at game 7. Naniniwala pa rin ako na atin tong series n’to! Tiwala lang at sama-sama walang iwanan hanggang magtagumpay. Ginebra Say Die nga diba! Asa atin ang huling halakhak 🙂

  8. this is nice, thank you for airing our sentiments. i’ve read it on twitter that LA’s sister wants to get in touch with you. God bless and congrats 🙂

  9. Dagdag ko lang parang may something kayo ni japeth. kitang kita ko sa galaw nyo sa court na tuwing pinapanood ko kau na parang di kau magkasundo palagi japeth at LA.

  10. Na touch naman ako sa letter na ito. Isa din ako sa mga libo libong fans ng Brgy. Ginebra na nanood kahapon sa Araneta Coliseum at nakasaksi sa pagkabigo na maipanalo ang Game 5 Semi Finals kontra San Mig Coffee. Nakakalungkot ang pangyayari ngunti alam ko na babawi ang BGSM. Ganun lang naman talaga diba ang bida,lagi nagpapauna at pagsapit ng huli sila parin ang nananalo. Kaya BGSM fans huwag natin si LA. Never-Say-Die tayo!

  11. Hi! Teary-eyed ako habang binabasa ‘to. Tiwala lang talaga dapat tayo. Dati nga nagpromise si LA na makakapasok tayo sa Semis. Tinupad niya. Alam ko magbabounce back siya, pati na rin ang buong team. Never say die! 🙂

  12. It is really true. My mga tao lang kasi magka pag comment lang hindi nagiisip. I am also one of the diehard fans of ginebra. LA is the one of the great point guard in his generation. Determination na manalo ang laging nasa isip nya. Kaya anu man ang mangyari. Buong puso akong nasuporta sa kanila. Kaya nga never say die eh. Ginebra yan!!

  13. Maraming salamat kabarangay dahil ipinakita m s IBA (ung mga naninisi) kung ano ang isang Die Hard Fan na Manalo Man o Matalo Walang Iwanan…Die hard fan GINEBRA here…GodBless You Bro…

  14. ok yung mensahe mo.. mamomotivate ang isang player..
    pero para sa akin as SMC fans.
    iba ang naramdaman namin kesa sayu
    kaya mo nilabas ang sulat na ito ay para mamotivate nga si LA
    pero meron at meron ka pa ding walang nalalaman sa lahat lahat.
    hindi man sa kay LA na idol mo kundi sa buong team ng BGK

    siguro masasabi ko lang na, nagkataon lang ang pangyayaring yaon sa iyo at kay LA
    di naman ako bitter, sang-ayon ako sa mga sinasabi mo.
    at iba iba ang paniniwala natin sa isat isa lalo na sa team idol natin.

    siguro mas kilalanin at kilalanin mo pa ang team mo.
    kagaya ng pagkilala ko sa team ko,
    magmasid sa buong kapaligiran
    sa buong kabarangay mo…

    di ako KJ sa sulat mo dito, appreciated naman..
    sana mamotivate nga ang mga player lalo na si LA mo sa sulat mong ito.

    kagaya mo, di rin kami titigil sa pagmomotivate at pagbibigay ng mga mggndang mensahe sa SMC namin
    labanan to..#PUSO laban sa #PUSO..

    GUDLAK SA BGK MO
    GUDLAK DIN SA SMC KO..

    manalo matalo huwag tayong titigil sa pagsuporta sa kanila
    “Never Say Die” kayo,!
    “Tiwala;t Puso naman kami

  15. Hi! Nice letter. I thought nung una kong nabasa un title, na more or less, to LA, mas matuto magtiwala sa teammates nya. Sa pagkakaalam ko, he was hoping na pumasok un drive nya, at makakuha ng foul, para maging 3pt play. Of course we wouldn’t really know what’s running in his his mind, pero siguro naisip nya mas sure ball un plano nya, kesa mag risk ng tres from afar. Anyway, sabi nya, there’s no use crying over spilled milk. Pero pwede naten i-shot yan! 😉 kagaya ng lahat ng ka-barangay, naniniwala ako na Never Say Die! Kailangan din minsan ng kape, para pampagising diwa, pero sa huli, Ginebra pa rin ang kasama sa pagcecelebrate papuntang Finals! 🙂

    btw, meron din nagsasabi na sinasadya na umabot ng game 7, xempre, ticket sales din yun, malaking kita. After all, these 2 teams ang pinakamalaki humatak ng crowd. *worth some thought*

  16. nakakaiyak naman..sana manalo tayo bukas .alam nyo ba tuwing pagsamba namen lagi kung png pepray ang ginebra na sana cla ang manalo at cila ang mgchampion .. kahit kelan di sila nawala sa pray ko ..pasensya kung nainis ako kay L.a nasaktan lang kse ako sa pagkatalo nila kgabe..NSD.NSD.
    #LETS GO FOE THE WIN ..
    sama-sama tayong manalangin para sa kanila bukas…..

  17. npansin ko kce ky L.A, gusto nya sya ang Hero, yung 2 game winning shot ni Japeth, napansin ko ko sa reaction nya, “WALA” prang hindi sila nanalo, kong gusto nyo makita ung mga sinasabi ko, panoorin nyo ung replay ng game winning shot ni japeth, hindi ko nmn sinisisi c L.A, ung lang po ang nkikita ko

    1. Are you sure about that? Im a die hard Ginebra fan, and I super love Japeth, lalo pag gumagawa xa ng Japeth jam, pero I don’t think na may matatawag na winning shot sa Game 2, dahil remember, tinambakan nila ang San Mig sa game na yun. So kaya siguro walang reaction si LA, kasi wala naman dapat ika react.

    2. tama k dyan…. ilang games n din nila ung npansin ko n gnun sya kay japeth…ayaw ko isipin n naiinggit sya kay japeth…pero halatang halata n sya……nkakatamad nnga mnuod minsan eh…..naisip ko lang at opinion ko lng n nsasapawan n sya ni japeth….kaya ayaw nya bigyan ng winning shot si japeth…..lumalabas tunay n ugali ni tenorio….pansinin nyo mga games nila..pag si japeth mumihingi ng bola ayaw ibigay ni LA…bakit kaya? kasi ang gusto nya ang play dapat iset si japeth na mag screen sa kanya…pag ayaw mag screen ni japeth galit na galit sya…..hays…..sana naman maawa si LA sa maraming fans ng ginebra….lipat nalang sya ng team kung di sya magbago…ok lang matalo kung kung lumaban ng tama at hindi pinahalatang benta or patalo talaga dahil ayaw nya maging BPC si aguilar….kasi lalo syang mawawalan ng tym maging MVP. gud luck sa atin mga NSD ………

  18. tulad mo erson die hard ginebra fan din ako… tama!!! mnanalo tau sa game 6 at 7.. payback tym =) naniniwala po ako sa kkyahan nlang lhat.. hndi dpat isisi ang mga mali n ngwa, sna icpn din po nla ung mga tama ng ngwa ng isang tao…. go GINEBRA.. laban mga ka-barangay =)

  19. kudos bro! dapat ito ang maging feelings at attitude ng lahat ng faans…..walang sisihan dapat paghanga lagi ang ating maging suporta at panalangin sa kanila, dahil alam natin na puso ang laro nila…sinserong laban lagi ang dala ng bawat isa kaya bawat laro manalo matalo isa lang ang ating sigaw lahing ginebra di sumusuko bagkus bumabangon at nagtatagumpay!

  20. prang paquiao lng yn.. marami n naipanalo pero wg ntin idown s ilang pgkkmali.. may line nga s kantang collide.. “even d best fall sometimes”.. lahat tau my pgkkmali.. there is always a chance.. just grab it.. gud luck s next game.. stay safe.. long live never say die gin kings…

  21. wow! die hard fan din aq since anejo times pa..di ko pa yata naiintindihan ang basketball game dati e ginebra fan na ako. sobrang nakarelate ako sa letter na ito kasi iba ang maging ginebra fan….parang ngiging solusyon sa mga problema… kaya pa yan!

  22. kahit papaano ay napasaya ako sa liham na ito. kahit na masakit yung game kagabi, hindi pa rin ako bibitw bilang isang ginebra fan. part yun ng game, panalo at talo lang magiging resulta at naniniwala rin ako na walang bigayan o benta na nangyari. Babawi sa Gineral L.A., minsan sa buhay natin, kailangan nating makaranas ng pagkatalo o kamalian sa buhay, eto yung magiging basehan natin kung paano tayo gagawa ng bagong hakbang upang makamit ang tunay na tagumpay. Go L.A. at sa buong Barangay Ginebra. manalo man o matalo ,nandito pa rin kami, ganyang ang never say die 😀

  23. Very inspiring! Obvious nmn kahapon kung gaano ka disappointed and kabigat ang puso ni L.A. Though fan ako ni Mac Baracael pero kahapon ung sympathy ko na kay L.A ramdam ko ung bigat ng kalooban nya. Thank you for this wonderful letter.Surely, it will be a morale booster for the team! God bless! #NSD #Ginebra fanatic ❤

  24. Maraming salamat sa ginawa mo sir. Para ito sa lahat ng fans ng Ginebra. Hindi pa tapos ang serye. May dalawang laban pa. Alam ng Brgy. Ginebra na umaasa tayong mga fans na tatapusin nila ang laban. Never Say Die ka-barangay! Sama-sama po tayo hanggang sa huli.

  25. eto ang isa sa tunay na lahing ginbera! napaiyak ako dito ah, ang lalim, mula sa puso talaga.. tama ka sa lahat ng sinabi mo bro, tulad mo naniniwala ako kay GINeral tenorio, babangon ang dugong ginebra! manalo matalo walang iwanan at sisihan #Neversaydie #BGSM

  26. Actually, SMC fan ako. Pero nang mabasa ko ang letter na’to para akong nabuhayan din sa buhay. Kung kaya ng iba, eh bat ako, hindi? Kung kaya nila, dapat ako din. Bawi na lang kayo ha. Ginebra fans, sana maganda ang laban natin. Sana umabaot ng Game 7 para record breaking ang kalabasan sa paramihan ng tao.

  27. L.A. kung mababasa mo man to sorry kasi ako yung isa sa mga nagmura at sinisi ka sa isip ko noong namis mo yung layup nung dying seconds nalang ng game.Pero pagkatapos ng game naisip ko lahat ng mga nagawa mo sa Ginebra, lahat ng pagod, pawis at dugo na naibigay mo sa team sa lahat ng times na napasaya mo kame bilang fans sa paginspire mo samin na kahit underdog team eh lalaban at lalaban. Idol salamat at patawad. After all WE ARE ONE!!!

  28. Nung nabasa ko ung title sa FB, kala ko this is just one-of-those-open-letters-out-there, mala Lourd de Veyra and his open letter to Bossing.

    Sorry Boss judgemental eh, pero Im glad I read on. At kalalaki kong tao may luha sa mata ko while Im writing this. Hahahaha!

    We share the same sentiments bro. Kung anu man ang nasa isip ni LA that time, it was his decision. Ang importante he did what he think is right and we stand by him and the whole Ginebra team. A loss is a loss, masakit oo, pero game yan. May nananalo, may natatalo. May game pa naman next at kung papalarin meron pang isa. Kaya bawi na lang.

    Kay idol LA, salamat sa pag angat sa Ginebra pag wala na silang makapitan. Salamat sa pag angat mo sa Gilas sa mga laban ninyo sa ibang lahi. Ok lang yan idol. Kahit anu pang sabihin nilang lahat, fan man o hater, ikaw at ikaw pa rin ang idol ng masang Ginebra. Ang importante ung pagbangon natin. Maka finals man kayo o hindi, sulit na sulit na kami sa sayang dulot ng laban ninyo ng San Mig.

    Pero mas sulit pa yan kung may Game 7. Hahahaha!

  29. Ganyan talaga, Minsan nananalo, Minsan talo. Benta na Kung benta, or talo talaga Kung talo. Pero wag din natin kalimutan na pinaghirapan din ng San Mig yun panalo nila at sa mga laro, Kita natin na hirap ang Barangay.

    1. Pamilya din kmi ng ginebra fans mula lolo hangang sa apo at khit ano ngyyri sa team ginebra d kmi nagbabago nang paghanga sa kanila never say die nga eh yan ang bagay na wala sa ibang team…sayo tinyente tenorio malaki ang respeto at paghanga q sayo d magbbgo yun at kay erson salamat sa mga nasambit mo about LA tenorio mabuhay ka brother.

  30. Kahit ako napamura sa gulat dahil s 2 play. Gang ngayon npapaisip ako kung ano reason. But there’s a valid reason i think so. Natural feeling lang ng frustration pero i’ll get over this and we will all too. To those die hard fans of ginebra like me, all we can do is to hope and pray na game 6 and 7 will be more competitive and favors us. Godblessed us all. May d most deserving team wins!

  31. Hi Erson,

    This is Jaemark Tordecilla again from InterAksyon. Would you and your girlfriend be available to attend Game Six tomorrow? I’m finding a way to hook you up with seats from Sports5. I emailed you with my contact information including my mobile number, kindly check your inbox.

  32. Kababayan ko si L.A sa Nasugbu Batangas. Sobrang bait nya namimigay ng lumang SHOES nya kapag Inter Barangay na. Idol! Never say die! Atin Game 6 and 7.

  33. vintage attitude of ginebra, never say die, will to get game 6, no veterans or no rsj, trust ellis, trust baracael, trust monfort, and trust forester. trust all the players, im orig ginebra fan, know the line up and jersey no. of each anejo, and gordons player. and watched live game (advani to present). Just wake up, kasi ginebra tayo

  34. Glenn Estuesta Medina > Barangay Ginebra San miguel

    7 hours ago 

    We ‪#‎neversaydie‬ KaBarangay!!! Pagkabigo, yan ay pagsubok lang… Manalo Matalo tayo ay lumalaban… 

    Nung mag start semis di lang si LA ang sinasabi ninyong “nagbenta” o “nagkalat” si Mac halos murahin niyo na rin sa simpleng inbound nung Game 1 na eject nung Game 3. Pero nag Best Player nung Game 4. Ang support natin ay isang team hindi lang sa player. Kinekwestyon si Japeth dahil mukhang “nabayaran” dahil wala ng nagawa simula nung semis.. pero di ninyo nakita ang laro niya noong elimination. 

    Nabasa ko nga sa isang tweet na ang pagpuri pa rin sa kamalian ay isang kamangmangan… Pero naniniwala rin ako kung wala kang masasabing hindi maganda wag ka na lang magsalita. Tayo ay‪#‎barangayginebraforever‬ at hindi na dapat tayo ang maging instrumento ng hindi magandang salita against our players. Alam naman natin ang mga lapses nila. Pero magsasalita ka ba ng alam mong makakasakit sa kanila???

    Tama na ang pagtanggap ng pagkakamali at hayaan nating ituwid nila ito. 

    Support them through UPs and DOWNs. Wag tayong gumaya sa iba na dahil hindi na naglalaro ang team nila iba na ang sinusuportahan.

    We believe! We #neversaydie! We still have do or die… 

    GOOD LUCK! GOD BLESS! 

    WIN OR LOSE BARANGAY GINEBRA FOREVER!!!

  35. sa lahat ng BGK fans, babawi ang Pambansang Reverse ng Pilipinas……wag mawalan ng pagasa sapagkat may Game 6 at Game 7 pa talaga……NSD…..

  36. Hi Sir Erson,

    Please let us know kung nabasa na ni LA itong letter mo? Saka ipost mo din yun masasabi ni LA kung meron lang po..

    Gusto ko marinig yun feedback ni LA!!!

  37. mga kbangay ginebra parin yan. . na alala nyo b nun 2beses nla tnalo ang ros pati ang tnt at cla pa ang lmaban ng championship againts alaska kya nani2wla ako na kya ng bgsm yan dhl kla l.a barracael ellis twin towers at jayjay and mark go ginebra ginebra ginebra nvsd. . .

  38. Kailangan ding tingnan at pag-aralan kung bakit ganun ang naging strategy ni LA. Nung game 5 dami niyang errors buti na nga lang nakabawi siya sa kanyang huling dalawang freethrows. Tapos nitong game 6 nga medyo sablay ang desisyun niyang magdrive. Matatalino din naman mga PBA fans. Nappansin nila kung bumababa ang lebel ng paglalaro lalo na ng isang LA Tenorio. Calling PBA commissioner…hope na paalalahanan nyo po ang mga players natin sa liga. The fans deserve quality plays from the players maybe one, two or even three bad plays is forgivable pero yung tipong siguradong pinapatalo na ang laro…mahirap hindi magduda.

  39. Ako aminin ko na nabadtrip din ako dun s endgame, Pero I still believe that Ginebra would bounced back from this. Tao Lang Tayo para manghinayang, Pero Ginebra fan pa din tayo at dugong never-say-die. It’s just one of those breaks of the game, and what matters most is that we still support 1 team – GINEBRA!

  40. my taya c tenorio sa smc, letz face it! wag magbula-bu-lagan, gin fan din ako, pero, napanuod ko na yan, katulad kay sol mergago ng meralco, same situation, 3pts ang lamang, drive din ang gnawa in 4secs remaining, daming player na ganyan, kaya nga inayawan xa ng alaska, naiwan pa nga ung isang katulad nya s alaska, un lang po

  41. ako simple lang. kahit hindi pumasok ginebra sa finals ngayon conf ok lang. walang sisihan. napakabatang team pa ng ginebra. madami pang pagkakataon. wag na natin panghinayangan un layup ni LA o un pagiging number 1 ng GINS halos mula umpisa. ganun lang talaga. enjoy natin every game. GO GINEBRA!

  42. Grabe kuya sobrang naiyak ako sa letter na gawa u ako rin ganyan ang tingin ko sa kanya. Sobrang inaidol ko si LA sa lahat ng oras. Mahal na mahal ko si LA sa ginebra kahit na marami akong naririnig na masamang komento after ng two games na marami syang error. Dinadaan ko nlng sa pagkipit balikat kasi kung papatulan ko lang baka gulo lang. Nasasaktan ako kapag ganun ang mga naririnig ko kasi simula ng makita ko sa sa personal parang nagkaroon ako ng kuya na kahit kailan hindi ko maramdaman sa tunay na buhay kasi wala naman tlga. Ako kasi ang panganay na lalaki e. So hanggang buhay at sa kamatayan LA Tenorio lang! #NSD

  43. ginawa nman ni idol L.A ung best nya kaso sablay lng tlaga , bawi nlang tayo mga kabarangay sa game 6 at game 7 !!! never say die 🙂

  44. Wow… Well said Mr. Erson.. Bounce back GINEBRA.. May tiwala kmi sa inyong lahat.. Kaya nyo yan.. Nandito lang lage kmi sumusuporta..Manalo man or Matalo.. GINEBRA FOREVER..NEVER SAY DIE..#ReclaimTheThrone..👍☺️🏀🏆🙏👑

  45. From the greatest basketball player in history:

    “I’ve missed more than 9000 shots in my career. I’ve lost almost 300 games. 26 times, I’ve been trusted to take the game winning shot and missed. I’ve failed over and over and over again in my life. And that is why I succeed.” -Michael Jordan

  46. aq cmula pg-bata fans na aq ng ginebra peo ang pinaka-idol qng player c la.tiwala lng sa knila sbi nga ni idol la regalo daw nia ngaung conference ang champion trophy go go ginebra,go idol go for championship..

  47. matalo manalo ginebra paren tau !! ..
    waLang sisihan ! ..
    kung kau nasa court ung ba gagawen nyo ??
    madaling manise pero ginawa nya best nya un lng sapat na !
    d lht ng tym panalo !

    #LA ako !

    1. never say die! bawi tayo…games 6 & 7 sa atin yan…LA huwag mong pansinin ang mga negative comments…basta kami naniniwala sa yo at sa lahat ng players ng Ginebra…kaya natin yan…never say die!

  48. tama kayo mga ka barangay may 6 and 7 pa never saydie nga di ba basta sa game 6 dipensa lang para manalo tayo gogogo mga kabarangay… wala nangsisihan suportahan nalang natin sila at dasal lang ang kailangan para manalo tayo at pumasok sa final…

  49. hindi pa ako nakakapanuod ng laban ng ginebra sa ngayon.. college pa ko nung huling panuod ko, si abarrientos lang natandaan kong player.. hehe pero kinilabutan ako sa sulat mo… naramdaman ko yung gusto mong iparating…

  50. I really love BRGY. GINEBRA..nakikita ko nga ang BAL DAVID/MARLOU AQUINO tandem noon..like LA TENORIO/GREG SLAUGHTER now..dont give up..remember..NEVER SAY DIE!..may game 6 pa tayo guys..walang matutulong ang sisihan..

  51. naalala ko pa…from my younger age…sumisigaw ako ng Ginebra…kada drive ni big J at ni Dondon…tres ni chito…. at rebound ni mamaril…..isama mo na ang attitude ni Distrito..sa laht ng panahon na ipinundar nila..ang Ginebra ang nagbbigay saya at lungkot..wala ni sino mang team ang nagbibigay ng energy…naranasan mo na bang lumabas na ang san mig ang nnalo para ipakita s kanila n nnlo ang team mo..di po…subukan mong lumabas at sabihin mo na ang Ginebra ang nanalo..siguradong trending yan…sa bawat panalo at pagkatalo ng team….sa puso mo alam mo ang saya’t lungkot….. si LA di na din na iba sa ibang player na nagtaguyod ng GNEBRA….nagbigay ng pag-asang na nsa kamay nya ang pagkakataon para manalo…sa laht ng batikos o anu p man iyon..bigyan natin sya ng pagkakataon na ituwid ang lahat..ika nga ntin… never say die….. team may laban ba…ipakita at isigaw natin ang team..GINEBRA..GINEBRA…my 4yrs old son was truly one my admiration… yung time na tinira ni LA na pa mura din ako..tinignan nya ako sabay sabing GINERBA..GINEBRA..alam ko na talo na pero sa pagkakataon na iyon isa lang ang masasabi ko….alam nya ang puso ko..GINEBRA AKO….at pagtanda nya…GINEBRA na din sya… at magiging parte na din ng buhay nya ang team ko…….team natin….mabuhay ang NEVER SAY DIE……

  52. this was so cool!! nabubuhayan ao nung nabasa ko to! NEVER SAY DIE TAYO MGA KABS! TIWALA LANG BABAWI TAYO! =) LABAN! GINEBRA! PUSO!

  53. Nice one bro! 😀 Ganda ng letter! 😀 Don”t worry, may GAME 6 at 7 pa ang BARANGGAY at si Tinyente para patahimikin anf mga doubters at haters! NEVER SAY DIE!!

  54. Pride to be #NSD team!
    I was there sa Araneta with my 2 kidz nung Game 5.
    Maski ako nagulat sa ginawa ni LA. Daig ko pa ang binuhusan ng tubig na puno ng Yelo sa nangyari. Nataluha din ako. Pero ang higit na apektado ay ang panganay kong anak na Sampung-taong gulang na si Karl na varsity sa PCS. Sobrang kalungkutan at nangilid ang luha sa pagkatalo ng Gin Kings. Hanggang sa pag-uwi ng bahay ay hndi namin makausap. Maging ang Bunso ko na si Marxlei na Tatlong-taong gulang palang ay nakaintindi na ng nangyari sa Game 5.
    Die-Hard GINEBRA Fans kami. Hindi maiwasan na talagang maapektuhan kami sa nangyari.
    Naniniwala akong may paninindigang-tao si Idol LA Tenorio.
    Alam ko na babawi sila.
    Go Ginebra!
    NEVER SAY DIE…

  55. L.A having a 1 option only since the San Mig Coffee the pressure that given in the back court is very difficult since Tenorio having a potential to take away the ball from that he carry the ball with attempt a foul basket play, he know his shooting from outside is not good and the defense from the outside corner is already there, remember the remaining time 13.4 seconds no more option.

  56. naiiyak naman ako sa post mo! sobrang tama at sobrang mahal na mahal ko din kasi ang ginebra! alam ko mananalo kami! ibibigay yan ni GOD sa atin! ginebra ginebra ginebra hanggang mamatay!

  57. Alam nyo bent ang beta ginawa Nya patalo say 3pts ang lamang ng San mig titirahan mo ng 2!!!!!!! I sang ka maliking tanga!!!!!!!

  58. nakakaluha itong letter for LA pro saludo ako sa gumawa nito galing nkakalakas ng loob pra ky LA keep it up…. for sure pg nabasa ito ni LA wla ng kawala lalaro cla sa championship…GO GINEBRA

  59. GUYS…halos iisa lang tlga ang nararandaman natin tuwing natatalo ginebra.tulad ko d ako maka kain,minsan napapaiyak at kadalasan inaabot ng buwan bago ako maka recover pag natatalo tau sa mahalagang laro….

  60. Go L.A Tenorio….All out support kaming mga taga Nasugbu , Batangas sayo…. I remember nung Qualifying ng FIBA dito sa Pinas…Dba sabi Ni L.A “ako si L.A Tenorio taga Nasugbu, Batangas…mas lalo kita inidolo nung sinabi mo na taga Nasugbu, Batangas ka..basta manalo matalo L.A Tenorio pa din..best point guard…..

    “Ako po si CELSO RIVERA, taga Nasugbu, Batangas, kapitbahay ni LA Tenorio”..hehehehehe….

  61. tama na satsat kahit anong gawin nyo talo na kayo mga ungas! hahaha! im pretty sure hindi benta yun bat its a BOBO play. talk about clutch and pressure. if you cant handle the heat, kickout pass mo na na lang sa tres. 3 points lamang ng kalaban wala kayong timeout with 7 seconds left, WHAT ARE YOU THINKING!? hahaha

  62. TMA TMA GANDA NG ARTICLE.. ellis japeth LA naniniwla kme sainyo na kyang kya niong gawin champoin ang TEAM BG BARANGAY GINEBRA

  63. san mig fan ako pero sa tingin ko di naman benta yun cguro natangap nya na talo na sa game, nabantayan lahat ng options nya na papasahan sa tres nung last play (c melton asa kanto tapos c mallari asa may top of the key) at di rin nya maitira yung tres kasi nakadikit ang bantay nya. ang sayang na play eh yung bago mafoul c melton ang dami pang oras nagdrive agad sya akala cguro nya tatawag ng foul ang referee.

  64. like d letter. however, i stopped watching PBA na long ago, sindycate na magmula ng pumasok un mga cojuanco n pangilinan controlled corp., kung national team going againts d rival countries , pwde pa, for d spirit of patriotism. PUSO!!

  65. Your letter is such an inspiration. Move and keep chasing your dreams for the Law school. Wala sa school iyon, nasa mga palad mo ang success ng pagiging Law student.. 🙂 More power and may Godbless you more 🙂

  66. what a heart-felt letter, erson. maraming ginebra fans ang naka-relate at isa na ako doon.

    isa ako sa nanood ng live last game 5 sa araneta. ilang segundo sa 4th quarter, napa-pikit nalang ako nung pumasok ang 3pts ni pingris. kinabahan ako pero di nawalan ng pag-asa….maipapanalo ‘to ng ginebra. pero, di na-i-shoot ni LA. natalo, nalungkot at isa din ako sa nagtanong, “bakit nya ginawa un?!” pero, ang inisip ko nalang may dahilan at mas alam ni LA bakit nya ginawa un.

    after the game, mula sa paglabas ng araneta hanggang sa pagsakay ko ng bus, usap-usapan ang game 5. ang daming affected sa pagkatalo ng ginebra at sinisisi si LA bakit ganon ang ginawa nya. tao nga naman, ang daming opinyon, lahat sila magagaling sa pagkomento. gusto ko sana sila tanungin, kung sila sa pwesto ni LA on that crucial moment, ano kaya ang gagawin nila?! ngunit hinayaan ko nalang baka kasi mapa-away pa ako.

    everybody says, ganon talaga….bilog ang bola, nananalo….natatalo. PERO, #NeverSayDie may game 6 pa mamaya….kaya yan! at may game 7 pa! isa pa din ako sa sisisgaw ng GINEBRA! GINEBRA! GINEBRA!! 😀 😀 😀

    to erson, thanks for writing this letter kasi thru this you represented all of us, the ‘million’ ginebra fans! cheers! 🙂

  67. Ayaw kong sabihin na naaawa ako kay LA kasi di naman dapat. Porke’t ba natalo benta na? I agree you Erson 110% na lahat tayo ay nagkakamali. I am a SanMig fan at nasa dugo namin yun kasi 99% samin ay SanMig, isa lang ang bukod tanging Ginebra samin, pero pag nanood kami ng game sa bahay ang saya ng kulitan namin walang pikunan.

    Pano nila nasabing benta eh dikit na dikit yung laban? Kung sakali ba sa player ng SanMig nangyari yon ay dapat ba naming sabihing mga fans na benta ang laban?

    Bilog ang bola kaya di natin alam kung kailan tayo nasa ibabaw o nasa ilalim.

    Ito ay isang sports kaya kailangan sports minded tayo at alam natin na kung may nananalo ay may natatalo.

    Goodluck nalang sa mga koponan natin. Naniniwala ako na sinuman ang manalo sa ating mga team ay walang mas deserving dahil pareho silang deserving(pareho silang magaling).

  68. Sabi nga nila sa bawat laban bilog ang bola! Pero kung talagang fan ka ng isang kupunan,manalo matalo suportado mo parin sila.. I was a fan of Ginebra since my childhood years pa,kaagawan namin sa TV ang tito ko wayback 1995.. Habang nanonood kame ng
    sailor moon bigla nyang ililipat sa basketball. Since that time namulat na kame sa panonood ng PBA. And since that time fan na talaga kame ng Ginebra,,till now kahit bz nako sa work at di na madalas manood ng PBA still ang puso ko at tiwala nasa Ginebra parin.. And I do believe na ang isang manlalaro walang hinangad kundi ang manalo dahil sarili nilang karangalan yun, if L.A did a wrong decision and wrong move on that game, we don’t have the right to blame him.Dahil kung masakit para sating mga fans na matalo sila, siguradong mas masakit sa kanila un, tayo napagod lang sa kakasigaw,kakahiyaw. Pero sila ubos na ang pawis at lakas ng katawan para maipanalo lang ang kupunan.. Kaya to all bashers of LA out there,, put ur self in his shoes para maramadaman nyo naman ung maling ginagawa nyo for him. Kung totoong Fans kayo, Tiwala lang! dahil alam nating lahat na sa buong PBA teams GINEBRA lang ang kilala sa katagang “NEVER SAY DIE” at para sa lahat ng haters ng ginebra.. Well Goodluck! pero sabi nga ng marami simula pa noong bata ako, Manalo Matalo GINEBRA parin kame! 😀 😀 😀 and for the guy who wrote this letter you inspired many people by this and this is such a heartbreaking letter that we deeply feel how sincere you are while writing this. For sure even LA doesn’t know you personally he will really appreciate this as much as many people appreciate your letter. LABAN BARANGAY GINEBRA! We still believe in you guys! 😉

  69. Good Day Erson,

    With your popularity and the “never say die” spirit you’ve shown, we can entrust you one of the positions on: http://www.ginebraginkings.com/p/social-network.html.

    Please do let us know if you’re interested. Thanks!

    Email: ginebraginkingsdotcom@gmail.com
    Website: http://www.ginebraginkings.com/
    Forum: http://forum.ginebraginkings.com/
    Android App: https://play.google.com/store/apps/details?id=com.GinebraGinKings
    Twitter: https://www.twitter.com/barangayginebra

  70. Nakaka goosebumps naman itong sulat mo. Honestly when I saw you last night, sabi ko lang sino ba yung Erson? hindi ako makarelate. tapos nakita ko yung presscon ni LA sa yahoo kasama ka. Hinanap ko agad yung open letter mo. my goodness isang napakahalagang message pala yung sinulat mo not only for LA but for all Ginebra fans.

    Eversince nakahiligan kong manood ng basketball, Ginebra na talaga ako. Since college pa, so its pretty much half of my life. Although for a number of years, nawala ako sa sirkulasyon ng panonood ng basketball, ngayon na nakakanood na ko ulit, hindi pa din nawala yung pagiging fan ko kahit iba na yung players, kahit lagi ko tinatanong sa BF ko kung sino ba yung player na yun or if magaling ba sya. I used to root for Bal David by the way. Now I’m loving LA’s moves as well. Hanep sya. Hanep ka rin sumulat. Astig.
    Kitakits sa Game 7. 🙂

  71. Tnx Ersun job well done Im a soldier pero ng mabasa ko ang sulat u its touch my heart at feel ko ang sincerity u at avid fan na Ginebre ganun din ako ilalaban ko ng P****n ang ginebra mula pa kay Big J… I love LA the whole team NEVER SAY DIE…. parang kami NO retreat no surrender … laban hangang sa huli.. Go ginebra alam ko at the end of ths day tayo pa rin mag champion… kaya forget tha past lalo na mga taong makitid ang pag iisip ang daling humusga… pero opinion nila un wag ka lang padala.. Basta focus sa game 7 ha Gudlak PLAY AS A TEAM WIN AS A TEAM… I will salute u…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s